ILAW
Ilaw, ilaw ang kadalasan natin naririnig sa ating munting tahanan.
Ilaw na pag sumasapit ang gabi ay ating unang hinahanap
hinahanap na tila bang hindi magkamaliw pag wala ito.
ang mundo ng iba ay parang walang ilaw,
walang ilaw sapagkat ang iba ay wasak,
wasak na akala nila'y dina muling mabubuo.
pero ng kanilang masilayan ang munting liwanag
tila bang parang nag iba ang ikot ng mundo
umikot na tila bang bolang bilog
umikot ng umikot hanggang ito'y matapos
natapos ang kadilimang kanilang naranasan
naranasan na kanilang napag daanan
napagdaanan na humubog sa kanilang nakaraan
na ngayon ay kanilang munting alaalang aral.
salamat sa "ilaw"
Comments
Post a Comment